Mayroon na tayong bagong presidente. Isang Pilipinong nangakong aakayin tayo sa tuwid na daan. Isang Pilipinong dati‘y hindi masyadong nabibigyan ng pansin dahil mas maraming mas nakaaangat sa kanya. Dating kinikilala lamang bilang senador na anak ng namayapang mga dakilang magulang na nagtanggol sa ating bayan. Ngayon ay isa nang Pangulo.
Si Benigno Aquino III, o nakilala natin sa pangalang “P-noy” ang pangulo ng ating bansa sa kasalukuyan. Maraming Pilipino ang naniwala at sumuporta sa kanya sa nakaraang eleksyon. Ngunit sa kabila noon ay marami parin ang bumabatikos sa kanya.
Bilang isang mamamayan ng bansang ito, marami na akong mga nakilalang dating naging pangulo na hindi naging tapat sa kanilang tungkulin. Kung mayroon mang naging tapat ay iilan lamang. Nabihag ni pangulong Aquino ang puso ng karamihan sa ating mga kababayan. Sa loob ng higit isang taon ay natupad nya ang ilan sa mga kanyang naunangi pangako. Dahil dito ay mas tumindi ang pagtitiwala natin sa kanya. Sya ay tunay na mabait na tao. Mababakas sa kanya ang isang taong may pagpupursigi na itaguyod ang ating bansa. Higit sa lahat ay hindi sya “kurakot”. Hindi nya ginagamit ang kaban ng bayan para lamang sa kanyang pansariling kapakanan.
Isang matapat na pangulo si P-noy, para sa akin. Maraming Pilipino ang umaasang tunay ngang mababago nya ang ating bayan. Si p-noy ang magiging gabay ng bawat Pinoy sa tagumpay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento