Kung bibigyan ako ng pagkakaton na maging isang bagay, pipiliin kong maging isang lapis. Ang lapis kasi, kahit isang simpleng bagay lang maraming pakinabang eh. Parang ako lang ‘yan eh. Simple lang ako, pero marami akong kayang gawin.
Ang tunay na may pakinabang sa lapis eh ‘yung nasa loob ng kanyang katawan. Ung charcoal. Sakin, ganu’n din. Hindi ako makakgawa ng mga kapakipakinabang na mga bagay kung walang “charcoal” sa loob ko. Ang nagsisilbing charcoal sa akin ay ang aking utak. Hindi man ako matalino, nagagamit ko naman ng wasto ang utak ko. ‘Yun nga lang kulang ako sa tasa minsan. Minsan din, nauubusan ng bala, kasi yung mga ginagawa ko maraming mali. Pero, ayos lang kasi meron naman akong pambura na naka-kabit sa akin eh. Pananampalataya. ‘Yun ung pambura ko sa mga pagkakamali ko. J
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento