Sino ba naman ako para malaman kung ano ang hinaharap ko pagkatapos ng sampung taon? Pero minsan, may mga pagkakataong ini-imagine ko ‘yung mga bagay na mangyayari sa akin sa hinaharap.
Hmmmm.... sampung taon? Ibig sabihin 27 taon gulang na ako sa panahong iyon. Matanda na ri kung tutuosin.
Nuon pa man ay panagarap ko nang maging isang broadcaster, o ‘di kaya’y isang journalist. Kung siguro ngayon pa lamang ay magsusumikap ako, makalipas ang sampung taon ay matagumpay ko nang nakamit ang pangarap ko. Isa na siguro akong tagapag-ulat o di kaya’y manunulat.
Hindi ko rin naman inaalis ang posibilidad na baka may asawa na ‘ko sa panahong ‘yun. Kung mangyayari man siguro ang bagay na iyon ay magiging masaya ako kasama ang aking mga mahal sa buhay (kung sino man sila pagdating ng hinaharap). LOL.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento