Sabado, Oktubre 8, 2011

Para kay Sir Jayson :))

       Isang taon at kalahati pa lang ang panahong ginugol ko dito sa CLSU. Mahirap pala mag-aral dito! Lalo na  kung masungit na teacher pa matatapatan mo.
      Alam mo Sir, dati akala ko masungit ka. Nangingilag pa ko sayo nung una-unang araw natin sa Fili105. Di nagtagal, napatunayan kong mali ako. Mabait pala ikaw, sir. Walng halong kasipsipan to, sir, hah.
      So far, ikaw na po ang pinakamabait na naging prof ko dito. Oo nga po, marami ring mabait na teacher, pero iba po kayo eh. Lahat na po ata ng konsiderasyon binigay nyo sa mga estudyante nyo para lang makapasa sila. Na-realise ko pong ikaw (so far) ang pinakagusto kong guro sa CLSU, mula pa nung Fili105 hanggang ngayon. Magaling ka po kasi magturo, and at the same time, masaya. HInahaluaan nyo po kasi ng mga biro minsan yung mga lessons natin para hindi kami antukin. Sa mga araw na nagtuturo kayo sa amin, hindi mawawalan ng kaunting tawanan. Sana lahat nalang po ng teacher eh kasing bait nyo. Hehe. 
Salamat sir sa pagtuturo nyo sa amin. Sorry po kung minsan makukulit kami. Alam ko pong lahat ng naging estudyante nyo eh walang masabi sa kabaitan nyo. I'm very thankful dahil ikaw po ang naging guro ko sa Filipino, kahit alam kong magkakaroon pa ng iba. Sana nga po, till the end ikaw nalang po eh. Hehe.
      Yun lang po. I wish you all the good things in life. MOre blessings to come. I love you sir! :))

ang aking natutunan sa saignaturang Filipino110

Isang napakalaking tulong ng pag-aaral ng asignaturang Filipino110 sa akin upang maging mahusay ako sa paggawa ng mga masisining na pagpapahayag.
Bukod sa mga dagdag na kaalaman, naging masigla rin ako sa pakikinig dahil na rin sa kahiligan ko sa paggawa o pagkonstruct ng mga komposisyon. Natutunan ko ang mga dapat at hindi dapat sa pag-sulat. Nalaman ko rin ang iba't ibang uri nito. Ipinaliwanag din sa amin ang mga elemento at bahagi ng isang masining na pagpapahayag. Inisa-isa ang mga bahagi nito at saka ipinaliwanag ang mga layunin.
Ang pagbuo ng mga sanaysay ang pinkagusto kong bahagi ng aming aralin, dahil sa lam kong makatutulong ito sa akin upang makabuo ng isang magandang komposisyon. :)
 Simple lamang ang gusto ko,
Tanging nais aay ang pagmamahal mo;
Rinig nila at ng buong mundo,
Ang sigaw ng puso kong ito,
Wwalang iba kundi pangalan mo.
Bawat sandaling kasama ka,
Ehemplo ng tunay na ligaya.
Ramdam mo sana aking sinta
Yaong mga salitang " MAHAL KITA"

Sabado, Agosto 20, 2011

Ako Bilang isang Bagay...

Kung bibigyan ako ng pagkakaton na maging isang bagay, pipiliin kong maging isang lapis. Ang lapis kasi, kahit isang simpleng bagay lang maraming pakinabang eh. Parang ako lang ‘yan eh. Simple lang ako, pero marami akong kayang gawin.

 Ang tunay na may pakinabang sa lapis eh ‘yung  nasa loob ng kanyang katawan. Ung charcoal. Sakin, ganu’n din. Hindi ako makakgawa ng mga kapakipakinabang na mga bagay kung walang “charcoal” sa loob ko. Ang nagsisilbing charcoal sa akin ay ang aking utak. Hindi man ako matalino, nagagamit ko naman ng wasto ang utak ko. ‘Yun nga lang kulang ako sa tasa minsan. Minsan din, nauubusan ng bala, kasi yung mga ginagawa ko maraming mali. Pero, ayos lang kasi meron naman akong pambura na  naka-kabit sa akin eh. Pananampalataya. ‘Yun ung pambura ko sa mga pagkakamali ko. J



Si Crush...



Madali akong ma-atract sa lalaki. Lalo na kapag pogi! LOL. Sa totoo lang madami akong crush. Pero iilan lang sa mga ‘yon ang talagang nagpapakilig sakin!
“MY ULTIMATE CRUSH”. Yan ang tawag ko kay Karlo Rupac, kasalukuyang BSIT2-2. Noong first semester ng fist year ko pa sya crush. Grabe! Umabot na ng isang taon ang pagkaka-crush ko sa kanya! Gwapo kasi talaga sya. Naging magka-klase kami sa isang subject noong first year pa kami, kaya ko sya nakilala. Sya agad ang napansin ko sa section nila. Gwapo kasi sya, at maganda ang ngiti nya. Nakakatunaw ang tingin nya. At malakas talaga ang appeal nya! Kinikilig ako ng todo-todo kapag nakikita ko sya. Pakiramdam ko nga’y buong-buo ang araw ko kahit saglit ko lang syang makita. Lahat ng kaibigan ko ay alam ang nararamdaman ko para kay Rupac. Aaminin ko, kahit na mayroon na akong napupusuang ibang lalaki ngayon, hindi parin nagbabago ang feelings ko kay Rupac. 
Iba sya! Nakakaloka! Ang alam ko nga eh alam na nya na may gusto ako sa kanya. Pa-obvious kasi akong masyado kapag andyan sya eh. Halatang-halata na kinikilig ako. Pero ok lang un! Eh ano naman kung malaman nya? Ang sa akin lang naman eh, gusto ko sya. Hindi ako kaylanman umasa na gustuhin nya rin ako.
 Tanggap kong hanggang “crush” ko lang sya. Hindi ko kasi sya ka-level. At alam kong magaganda ang mga tipo nya. Ayos lang, bagay naman sya sa maganda eh. Pero kahit na ganon, crush ko pa rin sya. Wala na atang makakatalo sa kanya sa pagiging number one na crush ko! LOL.

Isa sa katangian ng lalaki kung bakit ako naa-atract, bukod sa pogi sya, ay mabait din. ‘Yan si Jonie Calusa, BSIT2-2 sa kasalukuyan. Kung ira-rank ko ang aking mga crush ay sya ang pangalawa (sumunod kay Karlo). Ang cute, cute nya! Lalo na kapag naka-ngiti sya. Pa-humbble pa sya. 
Maraming nagsasabing mabait daw si Jonie, kaya lalo akong nagka-crush sa kanya. Halata naman ding mabait sya. Hindi sya mukang mayabang kahit na gwapo sya at maraming nagkaka-crush sa kanya. Nakaka-tunaw din ang tingin nya. Simple, pero gwapo. ‘Yan si fafa Jonie.


Sa totoo lang madami talaga akong crush! Pero itong isang ‘to, sa tingin ko eh hindi lang basta “crush” ang nararamdaman ko para sa kanya. Mahal ko na sya. Kahit alam kong malayo sa katotohanang makilala o mapansin nya manlang ako. 
Sya si Kim  Jung Woon, a.k.a Kim Yesung
Isa syang Korean artist. Myembro sya ng tanyag na Korean boy band na Super Junior. Noong una, crush ko lang talaga sya dahil sa gwapo sya at magaling kumanta. Pero habang tumatagal ay naging obssession ko na sya! Bilang isang no.1 fan nya, inaalam ko ang lahat ng bagay na may kinalaman sa kanya. At sa pagdaan ng mga panahong nakikilala ko sya, lalo ko syang nagugustuhan! Affected ako sa mga nangyayari sa kanya. Sabihin man ng iba na “O.A” ako, wala akong pakialam! Basta minamahal ko ang taong ‘to! J




Aking Pamilya


Ang pinakaiingatan at pipanahahalagahan kong lubos ay aking natatangin kayamanan. Iyon ay ang aking pamilya. 



Sa kasalukuyan, konsehal ng baranggay ang tatay ko(Cesar Flores). Ang nanay ko (Genalyn Flores) naman ay may maliit na patahin sa aming bahay. Nag-aaral kaming apat na magkakapatid. Si ate (Girlie Flores), 3rd year college sa kasalukuyan. Agricultural Engineering ang kinukuha nyang course. Ako (Strawberry Flores), 2nd year college naman. Yung kapatid ko na sumunod sakin (Jethro Flores), 4th year high school na. At ang bunso (Elleanor Flores) namin ay nasa grade 3 palang. Kahit na mahirap ang pamumuhay ay sinisikap nila (Ma at De) na pag-aralin kami ng sabay sabay. Medyo mabigat sa bulsa dahil dalawa kaming kolehiyo, pero tiis-tiis lang muna. Buti na nga lamang at nar’yan ang aming mga kamag-anak na tumutulong sa amin para makapag-aral kami ng sabay-sabay, gayung apat kami. Malaki ang utang na loob namin sa kanila.

Noon, nararanasan namin na kapusin. To be specific, eh tungkol sa pinansyal. Hindi naman ganoon kalaki ang sweldo ng tatay ko. Maliit lang din ang kinikita namin sa pananahi. Kaya naman malaki rin ang pangangailangan naming pinanasyal.

Sa kabila ng mga pabugsu-bugsong problema, matatag parin ang mga magulang ko. Ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakya para lang sa amin. Dahil diyan ay saludo talaga ako sa kanila. Wala silang ibang inisip kung hindi ang kapakanan namin. Gusto nila kaming makatapos ng pag-aral. Minsan pa nga eh, nangungutang nalang muna sila para may maipadala saamin ni ate na nandito sa kolehiyo. Mahirap kasi talaga ang buhay. Pero hindi ko ikinakahiya iyon. Proud pa nga akong sabihin na ginagawa ng mga magulang ko yon para sa amin.

Wala na akong mahihiling pa sa aking pamilya. Lahat ng pagmamahal ay binibigay nila. Lahat ay kanilang ginagawa para sa aming kabutihan. Kaya naman mahal na mahal ko ang aking pamilya!

★ AKO ★



Ako si Strawberry May Azul Flores, 17 taong gulang, kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Sibul, San Miguel, Bulacan. Pangalawa ako sa aming apat na magkakapatid. Ipinanganak ako sa Polillio Island, Quezon Province  noong Mayo 23,1994. Ang aking ina ay si Gng.Genalyn Flores at ang aking ama ay si G.Cesar Flores.

Simple lang akong tao. Simple manamit. Simple kumilos. Simple lang ang mga gusto ko.

Mabait din naman akong tao. Syempre, may mga pagkakataong masasabi ng iba na masungit ako. Ako kasi yung tipo na mabait sa taong mabait sakin. Kapag sa una pa lang ay pinakita mo nang ayaw mo sa akin, wag kang mag-aalala, hindi ako makikipag-plastikan sayo!


Moody ako, pero sa madalas na mga pagkakataon ay masayahin ako. Lagi akong nakangiti. Gusto kong laging masaya. Pero syempre, hindi naman puro tungkol sa pag-sasaya lang ang buhay. Marami din akong problema. Sa sarili. Sa pag-aaral. Minsan sa pamilya. Pero kahit na gano’n, kinakaya ko pa din ang mga problemang yun. Kahit minsan nawawalan na talaga ako ng pag-asa. Madalas nga idinadaan ko nalang sa pag-iyak ang mga saloobin ko eh. Iyakin ako. Mahina ang loob ko pagdating sa mga problema. Pero sa kabila nun, sinusubukan ko paring maging matatag. Iniisip ko nalang na para sa akin din naman ang mga iyon. Kaylangan ko lang maging matatag.

Ang pinakahindi-magandang ugali ko na siguro ay ang pagiging tamad ko. Aminado naman ako dun. Talagang tamad ako. Nagmana ako kay Juan Tamad eh. Minsan nga kinakatamaran ko na din ang pag-aaral ko. Mahirap baguhin ang pagiging tamad ko, pero kahit papaano naman nilalabanan ko ang aking katamaran.

Dati isip bata pa ako. Minsan hindi nag-iisip. Padalos-dalos sa desisyon. Pero ngayon, nakikita kong matured na ako. Oo, hindi pa ganun ka matured, pero at least, tanggap ko na yung mga katotohan sa mundo at sa buhay. Natutuwa akong makita ang sarili na nagiging mature.




Marami pa siguro akong hindi nasabi tungkol sa aking sarili. Pero lubos nyo akong makikilala kapag naging kaibigan nyo ko.